June 26 is the International Day in Support of Victims of Torture

Ngayong June 26 ay ang International Day in Support of Victims of Torture.

Higit sampung taon na mula noon naisabatas ang Anti-Torture Law (Republic Act No. 9745(, ngunit tila limitado pa rin ang pagpapatupad nito. Dagsa pa rin ang mga ulat ng patuloy na pagsasagawa ng torture at hindi makataong pagtrato (cruel, inhumane, degrading treatment) kahit na sa panahon ng pandemya.

Ang karapatan laban sa torture ay isa sa ating mga “non-derogable rights” na hindi maaaring labagin sa kahit anong panahon.

Sa panahon ng pandemya, #TortureFreePH ang best new normal.

Sa patuloy na pagtarget sa mga kritiko, aktibista, at mga development workers bilang mga terorista, tuloy ang panawagan sa ating gobyerno na #JunkTerrorBill #ScrapTerrorLaw, at sa ating lahat na patuloy na pagiging mapagmatyag at kritikal, dahil dapat #TortureFreePhilippines kahit kailan, kahit saan!

#SupportLifeAfterTorture