Phone

+63 2 273 4609

Mobile

+63 928 905 5920

MAG envisions a society where fundamental human rights are upheld and protected at all times in accordance with the United Nations Declaration of Human Rights

Resources

IMG_3746Isang hapon matapos ang pamimigay ng mga lobbying paraphernalia sa loob ng Kongreso, lumapit sa akin ang isa sa mga lola na kasapi ng aming multi-sectoral network.

“Sana ipasa na nila ngayon ang bill natin, makunsensya naman sila.”

Natigilan ako at nag-isip kung paano ko sasagutin ang kanyang komento. Nagkasya na lamang ako sa pagsasabing, "Sana nga po‚ Nay.“

Ika-5 na ito ng Hunyo, isang araw bago tuluyang magtapos ang ika-13 na Kongreso. Tulad ng ibang mga panukalang batas na nalimot at naiwang nakabinbin sa mababang kapulungan, ang House Bill No. 6035 o mas nakilala bilang Cheaper Medicines Bill, ay mistulang mababaon din kasama nang kasaysayan ng ika-13 Kongreso.

At hindi nga ako nag-kamali. Isang buwan at mahigit matapos ang hindi pag pasa ng Cheaper Medicines Bill, mainit pa rin ang talakayan kung bakit nga ba ang isang panukalang batas, na bukod sa benepisyong pampubliko ay Certified Urgent din ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay hindi nakapasa sa mababang kapulungan.