MAG Self-Care Handbook and Poster for Human Rights Defenders

MAG SELF CARE HANDBOOK FRONT

The Medical Action Group published a handbook with instructional content targeting human rights defenders to urge them to practice self-care.

It is entitled ” SELF CARE, Isang Hanbuk: Pangangalaga sa pangkalahatang kalusugan at pamamaraan upang maiwasan ang stress ng mga human rights defenders (HRDs). The handbook, together with a poster was published through the help of the European Union. Below is the front page of the handbook and a thumbnail of the poster followed by a short message from the executive director, Ms. Edeliza Hernandez, RN.

“Itong hanbuk ay para sa mga human rights defenders o tagapagtanggol ng karapatang pantao at kanilang pamilya upang magbigay ng praktikal na payo at gabay sa pagtugon sa mga samu’t saring epekto mula sa pagdanas nila ng stress, na may kaugnayan sa kanilang gawain sa karapatang pantao.

Madalas napapabayaan ng mga human rights defenders o HRDs ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan, mapa-pisikal at mental, dahil sa kanilang gawain sa komunidad at para sa pagtataguyod ng karapatang pantao. Karaniwan nararanasan nila ay kawalan ng atensiyon sa gawain, panghihina ng katawan, kawalan ng ganang magtrabaho o kumilos (burn-out) at iba pa. Bagama’t karamihan ng mga HRDs ay tinatanggap ang stress bilang kaakibat sa gawain nila bilang HRDs.

Naniniwala kami sa Medical Action Group (MAG) na ang mga HRDs ay may mahalagang ginagampanang papel para sa pagpapabago ng lipunan tungo sa makatao at buhay na may dignidad.

Nilalaman ng handbook na ito ang ilang praktikal na hakbang na maaaring gawin upang mailagay sa isang tiyak na kalagayan ang kanilang
pangangatawan at kami ay umaasa na magpapatatag sa mga HRDs.

Lubos kami nagpapasalamat sa European Union (EU) sa ilalim ng European Instrument for Democracy and Human Rights (EIDHR) sa kanilang suporta upang mapalimbag at sa pagpapalaganap sa babasahin ito.

Maraming salamat.”

Edeliza P. Hernandez
Executive Director
Medical Action Group

FOR COPIES: You may contact MAG at +63 2 454 7513 or at mag.1982@magph.org; alternatively you may visit the official Facebook page at https://www.facebook.com/MAGPHOfficial for more info.