Tula ng Isang Doktor

ni: Emmeline M. Baltar, M.D.,

Municipal Health Officer, Rosario, Northern Samar

 

 

Kami po ay nagpapasalamat

Na mga abstract namin ay inyong tinanggap

At tayo ay nagkatipon-tipon

Kasama si Dra Fortun

 

Noong una ako ay atubili

Pagkat makikita ang aking mga mali

Pero nanaig ang gusto kong madagdagan

Kaalaman na tangi kong kayamanan

Kanya sinubmit aking abstract

Bahala na kung maboldyak

 

Bibihira kasi ang ganitong case conference

Wala pa tayong sariling expense

Accomodation at food ay libre

Wala talaga akong masabi

 

Tayo talaga ay maswerti

Lalo na kung tayo ay masasali

Sa sexual assault na lecture

Ng ating mabait na mentor

Na kakayanan ay di matatawaran

At walang takot sa katawan

 

Kaya si Dr Fortun at taga-MAG ay dapat pasalamatan

Ang dami talaga nating nalaman

Huwag talaga tayong lax mga kaibigan

Details talaga ay tutukan

Kung maaari crime scene ay puntahan

Para matukoy posisyon ng assailant

 

I-anticipate legal consequences

Para di tayo masabit pa man din

Huwag magrely sa verbal consent mga kasama

Baka mamaya tayo ay mahabla

 

Dahil sa mga lectures/training sa inyong ibinigay

Siguro kami naman ay di na sasablay

Pero malaki talaga ang madadagdag

Kung kami ay sa sexual assault isasabak

Doubts ay mawawala

Kaba ay huhupa

Kung tayo ay nasa korte na

At poise natin ay di masisisra

Endings na lang natin ang magsasalita

Explanation natin ay di na hahaba

 

Ang tumimo talaga sa aking kaisipan

Vaginal/anal swab ay kailangan

Siguro gram-staining ay aking kakalimutan

Ruler ay huwag iwawala sa isipan

Pag medico legal examination ay kaharap

 

Huwag magpadala sa chika-chika

Kailangan talaga ay mabusisi

Para di tayo masisi

At baka walang kasalanan ay ating maipakulong

At hustisya ay paurong.

 

Kaming mga MHO talaga ay training ang kailangan

Kaya mga DOH at MAG kami ay palaging isalang

Marami talaga kaming kakulangan

Di nga naming naisip na x-ray ay kailangan

Sa patay na ating iimbestigahan

Kung bala ay di Makita

Para di tayo ay mangapa

 

Minsan kasi ang ating feeling

Tayo ay kakainin

Sa korte mga kaibigan

Lalo na pa gang findings natin ay di maintindihan

Ng judge na nayayamot

At mga abogado ay napapakamot

 

Marami talagang salamat sa inyong imbitasyon

Kami ay di na magblablind dissection

At hindi blanket ang description

 

Marami pa talaga akong dapat sabihin

Pero oras ay kakapusin

Ang mga kasama ko ay gusto ng magshopping

Kaya maraming salamat po.