Ang mga Karapatan ng Pasyente

Ano ang mga karapatan mo bilang isang Pasyente? (Patient’s Rights Comics)

PATIENT’S RIGHTS KOMIKS

Ang mga karapatan ng pasyente ay bahagi ng karapatan sa kalusugan, na isang batayang karapatang pantao. Ito ay mahalagang kilalanin, igalang at isakatuparan bilang hakbang sa pagtatamasa ng buhay na may dignidad at pagpapahalaga sa buhay ng tao.

Naniniwala ang Medical Action Group (MAG) na susi sa pagtamasa ng mga karapatang ito ang magkaroon ng tamang kaalaman at sapat na impormasyon upang ang mga karapatang ito ay maisakatuparan ayon na rin sa mga umiiral na batas at patakaran.  Magsilbi din sana itong praktikal na gabay sa bawat isa sa pag-alam sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan ganundin kung paano maidudulog ang mga hinaing o mungkahi hinggil sa hindi tamang pamamalakad o kakulangan sa pagpapatupad ng mga serbisyo’t programang ito.

Ang sampung (10) Karapatan ng mga Pasyente na nakatala sa komiks na ito ay hango mula sa DOH Administrative Order 2017-0061 (Official Version of Patient’s Rights), na isinalin sa Filipino at nakabase sa DOH Department Memorandum 2017-0061 (Adoption of the Filipino Translation of the Patient’s Rights). Ang pagsasalin ay nakatuon lamang sa buod ng mga dokumentong nabanggit at pagbibigay ng interpretasyon at paglalarawan ng MAG.

Layon ng komiks na ito na ipaunawa sa mga mambabasa (pasyente man o pamilya niya, o tagapagbigay ng serbisyong medikal at ng publiko) na ang mga Karapatan ng Pasyente, ay hindi lang obligasyon ng pamahalaan na ipatupad bagkus responsibilidad ng lahat na kilalanin, pahalagahan at isabuhay.

Kumuha ng kopya ng komiks sa link na ito: Patient’s Rights Comics